Kuwentong Tambay ni Kay Tee

… dahil masarap tumambay sa Internet kung ang pulutan ay teknolohiya, tsismis, atbp.

Archive for the ‘kuwentong tambay’ Category

YouHide etc.

Posted by kuwentongtambay on February 19, 2008

Ala-una na ng madaling araw. Gising pa rin ako. Nangangalumata na ang aking mga mata sa kakatitig sa monitor. Masyadong masalimuot. Masyadong magulo ang aking isipan. Siguro ganon talaga pag may kailangan kang tapusin. Walastik talaga. Di ko pa kasi alam kung kelan matatapos yung ginagawa kong proyekto para sa sarili ko.

May nakita nga pala akong Web site. Sinubukan kong puntahan yung bittorrent kung maaaccess ko na sa browser ko. Wuuti! Ayos! Eto yung nakuha kong site para maitago ang IP add ko. Ayun, lumusot naman yung bittorrent! Malamang tuloy na tuloy na ang paggamit ng bittorrent. Masaya sigurado si mister nito.

Kanina pa tulog mister ko. Sigurado puyat na naman ako nito bukas, at malamang maitim na naman ang aking mga mata. Uggh. Sa katunayan, ayoko na talagang magpuyat, ano? Nakakatanda ang pagpupuyat at nagpapangit din.

Sya. Dito na lang muna ang kuwentong tambay ko sa Internet. Gamitin mo ang YouHide kung sakaling binablock ng opisina nyo ang alinman na site. hehe.

Magbabasa muna ako tungkol sa tsismis sa pinas. Wuuti. Ngayon ko lang nalaman na buntis pala (twins after 7 years!) si Vicky Morales nang makita ko ang video ng saksi kung saan medyo tumaba sya. Ay siguro nanganak na sya kasi noong January ata. Congrats, Vicky!

Naalala ko ang pinsan ko nanganak sya pagkatapos ng labing-isang taong paghihintay. Kanina, tumawag ang pinsan kong lalaki. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga babies. Nabanggit ko nga na bawal yung pills o di pala ako gumagamit ng pills. Sabi ko natural lang. Sabi nya mahalaga raw may mga anak. Sabi ko oo naman. Noong una kako eh apektado ako na wala pa akong anak. Pero ngayon sabi ko parang OK lang. Ooopps. medyo sensitibo na ang usaping ito. Si God lang ang nakakaalam ng lahat kung kelan, kung paano, kung bakit, kung ano…lahat-lahat.

At pagdating naman daw sa pagpapadede, mas mainam na magbreastfeeding para kay baby kesa sa paggamit ng feeding bottle. Panoorin ito.

Kay Tee

Posted in kuwentong tambay, Personal, Technology | Tagged: , , , , , , | 2 Comments »

Mybittorrent, mybloglog, kuwentong tambay, atbp.

Posted by kuwentongtambay on February 19, 2008

Buti na lang at nakita ko kaninang umaga ang mybittorrent. Hehe. Kanina ko pa ito gustong i-blog ngunit hindi puwede dahil nasa opisina ako. Sa bahay ko lang pwedeng buksan ang blog kong kuwentong tambay.

Nabasa ko sa blog ni Ginoo ang tungkol sa Korean film na ito – ang tungkol sa pagiging “ako”. Maganda ata itong pelikula at ninais ko ring mapanood ito. Kaya’t naghanap ako sa Internet ng download sana ng pelikulang yaon. Doon ko nakita na pwedeng idownload sa mybittorrent. Presto!

Baka bukas o makalawa ay mapanood ko yung pelikula at maikwento ko dito.

Hay buhay. Ang hirap magblog sa wika ko. Hehe. Lahat kasi ng blogs ko ay sa Ingles. May mga blogs ako sa wikang ito ngunit ang mga iyon ay puro tungkol sa pagiging “tae” ko. Wuut. Etong kuwentong tambay ay hindi tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin dito. Tambayan ko kasi ang blog na ito tungkol sa mga bagay-bagay na nakikita ko sa Internet. Mga bagay na pwede kong pagkaabalahan upang maging makabuluhan ang aking oras habang tumatambay sa Internet.

Katatapos lang naming kumain ng roasted chicken. Akala ko di na muna kami kakain sa labas. Nagbabaon kasi kami sa opisina ngayon. Balak naming magbakasyon sa ibang bansa. Kaso kanina nag-aya si mister ko na bumili kami ng roasted chicken ngayon bilang hapunan. Meron pang natirang gulay (monggo na may tinapa) kagabi sa ref. Natawa nga ako ng sinabi ni hubo na alam ko namang ayaw mo nang kainin yung monggo eh. Hehe. Di ko inamin pero parang totoo na ayaw ko ngang kumain ng kanin.

Lumabas nga kami’t bumili ng pagkain. Ang kaso madaming alikabok sa labas. Naglagay ako ng pantakip sa mukha at buhok ko…nagulat ang ibang banyaga na nakakakilala sa akin. Di ko daw kailangang maglagay non. Aba! Ang kulit. Di marunong makaintindi kung ano ang “dust”. Oo, maalikabok nga kanina. Di pa kasi ako bumili ng mask. Inalis ko na lang tuloy yung pantakip ko habang naglalakad kami sa daan. Buti na lang at medyo di mahangin kanina.

Inaantok na ako. Kagabi ay alas tres y medya na kami natulog. Tinamad akong gumising nang maaga kaninang umaga. Ang sabi ni hubo eh mga alas diyes na lang kami pupunta ng opisina. Ang sabi ko di pwede. Kailangang maaga kami.

Parang ang haba ata ng sinulat ko ngayon. Ang gusto ko lang namang sabihin ay yung tungkol sa mybittorrent. Hehe.

Ooops. Naalala kong bisitahin muna ang mybloglog community ko. May limang mensahe sa inbox ko. Natawa ako sa sinabi ng isang tao doon. Ang tawag ba naman sa akin ay “kuwentong”…Bantot naman. Ginawa ko na ngang KAYTEE OF KUWENTONG TAMBAY ang pangalan ko sa MyBlogLog…Di ba nya makuha na ang pangalan ko ay Kay Tee at hindi Kuwentong? LOL!

Alam ko na medyo mabantot ngang pakinggan ang kuwentong tambay…pero ano’ng magagawa nyo eh ito talaga ang tambayan ko?

Posted in Downloads, kuwentong tambay, Personal, Technology | Tagged: , , | Leave a Comment »

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.