Kuwentong Tambay ni Kay Tee

… dahil masarap tumambay sa Internet kung ang pulutan ay teknolohiya, tsismis, atbp.

YouHide etc.

Posted by kuwentongtambay on February 19, 2008

Ala-una na ng madaling araw. Gising pa rin ako. Nangangalumata na ang aking mga mata sa kakatitig sa monitor. Masyadong masalimuot. Masyadong magulo ang aking isipan. Siguro ganon talaga pag may kailangan kang tapusin. Walastik talaga. Di ko pa kasi alam kung kelan matatapos yung ginagawa kong proyekto para sa sarili ko.

May nakita nga pala akong Web site. Sinubukan kong puntahan yung bittorrent kung maaaccess ko na sa browser ko. Wuuti! Ayos! Eto yung nakuha kong site para maitago ang IP add ko. Ayun, lumusot naman yung bittorrent! Malamang tuloy na tuloy na ang paggamit ng bittorrent. Masaya sigurado si mister nito.

Kanina pa tulog mister ko. Sigurado puyat na naman ako nito bukas, at malamang maitim na naman ang aking mga mata. Uggh. Sa katunayan, ayoko na talagang magpuyat, ano? Nakakatanda ang pagpupuyat at nagpapangit din.

Sya. Dito na lang muna ang kuwentong tambay ko sa Internet. Gamitin mo ang YouHide kung sakaling binablock ng opisina nyo ang alinman na site. hehe.

Magbabasa muna ako tungkol sa tsismis sa pinas. Wuuti. Ngayon ko lang nalaman na buntis pala (twins after 7 years!) si Vicky Morales nang makita ko ang video ng saksi kung saan medyo tumaba sya. Ay siguro nanganak na sya kasi noong January ata. Congrats, Vicky!

Naalala ko ang pinsan ko nanganak sya pagkatapos ng labing-isang taong paghihintay. Kanina, tumawag ang pinsan kong lalaki. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga babies. Nabanggit ko nga na bawal yung pills o di pala ako gumagamit ng pills. Sabi ko natural lang. Sabi nya mahalaga raw may mga anak. Sabi ko oo naman. Noong una kako eh apektado ako na wala pa akong anak. Pero ngayon sabi ko parang OK lang. Ooopps. medyo sensitibo na ang usaping ito. Si God lang ang nakakaalam ng lahat kung kelan, kung paano, kung bakit, kung ano…lahat-lahat.

At pagdating naman daw sa pagpapadede, mas mainam na magbreastfeeding para kay baby kesa sa paggamit ng feeding bottle. Panoorin ito.

Kay Tee

Advertisement

2 Responses to “YouHide etc.”

  1. Mama Joy said

    napasinsay… :)

    ang hirap talagang matulog lalo na kung hindi mo naman alam kung ano ang dapat mong isipin kundi gusto mo lang matulog… ehehe.. ano yun?? ah basta.. yun na ^_^

  2. kuwentongtambay said

    hello mamajoy!

    salamat sa pagdalaw sa blog kong nilalangaw. hehe. :)

    ay sinabi mo. mahirap talagang matulog lalo’t ayaw kong matulog. ngi. minsan naman mahirap talagang matulog pag gusto ko nang matulog. ay magulo pareho.
    :)

    kaytee

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.