Kuwentong Tambay ni Kay Tee

… dahil masarap tumambay sa Internet kung ang pulutan ay teknolohiya, tsismis, atbp.

Kuwentong Tambay ng isang OFW

Posted by kuwentongtambay on February 18, 2008

Ako si KT (Kaytee), ang may-ari ng Kuwentong Tambay. Opo. Babae po ako at isa akong tambay sa Internet. Masarap tumambay sa Internet. Libre ang mangarap, ang bumiyahe sa iba’t ibang bansa sa pindot lamang ng aking mga daliri, at pag siniswerte ay may bayad pa ang aking pagtatambay sa Internet.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umalis ako ng bansa. Buti na lamang at kasama ko ang aking asawa. Mahirap mawalay sa asawa. Ang sabi nga, pag wala ang pusa, naglalaro ang daga. Totoo ba yon? Sabagay marami na akong nabalitaan na totoo nga yon. Dito nga sa bansang aming pinuntahan, ang isang babae dito na kabayan pa mandin ay may tatlong asawa dito – iba’t ibang lahi pa yon at may asawa pang naiwan sa bansang Pinas. Ay sus ginoo. Ang lupit naman ata non.

Sa aking asawa naman, may tiwala ako. Wala lang akong tiwala sa ibang tao.

Ginawa ko ang opisyal na tambayan kong ito para malibang ako. Nayayamot ako sa mabagal na pag-usad ng araw. Kailangang may pagkaabalahan ako bukod sa trabaho! Marami-rami akong bakanteng oras ngayon. Pagkatapos kasi ng trabaho ay bahay na agad ang punta namin. Walang mapaglibangan dito kundi ang manood ng pelikula na dinownload pa sa BitTorrent o kaya ang magbasa ng libro galing sa emule. Maswerte na pag walang virus na nakuha mula sa mga downloads. Malas nga lang ngayon at di na pwedeng magdownload sa bittorrent.

kt1.jpg

Minsan naman ay gumagala sa labas upang kumain ng mga pagkaing banyaga. Minsan nga eh akala ko kaamoy ko na sila dahil sa mga kinakain ko. Hindi sila mahilig sa kanin dito. Tinapay ang ginagawa nilang kanin dito. Tinapay na may ulam na sa loob. Minsan may gulay gaya ng okra. Nakakatuwa nga nang malaman ko na may french fries pala silang nilalagay sa tinapay bukod sa kamatis, beans, okra atbp. Masarap din naman. Nasanay na ang aking sikmura.

Ngayon ko napagtanto kung bakit matataba tayong mga Pilipino at mabababa din. MAHILIG KASI TAYO SA KANIN. Alam mo ba sa Ehipto, ang kanin ay binabalutan ng gulay kaya’t ang nangyayari, konti lang ang nakakain nilang kanin. Halos gulay, o dili naman ay konting tinapay na hindi nakakataba.

Pero eto lang masasabi ko. Matatangkad man ang mga banyaga dito, mas matalino tayo at mabango pa!

O sya. Hanggang dito na lang muna. Pasado alas-dose na ng madaling araw. Kailangan ko nang matulog at maaga pa ang pasok bukas. Muli akong tatambay dito. Hindi lang ito kuwentong tambay na walang kabuluhan. Marami-rami din akong maibabahagi dito na pwedeng matutunan ng iba. May tsismis din at kung anu-ano pa. Ang mga kategorya ay ginawa kong Ingles. Minsan siguro ay magsusulat din ako sa wikang Ingles. Nadala na kasi ako nang malaman ng amo ko ang isa kong weblog. Natural lamang na binasa nya yung mga pinagsusulat ko doon sa Ingles at nagkataon naman na sya yung tinutukoy ko. Sa ngayon ay sikreto muna kung saang lupalop ako ng mundo. Ganito na lang. May dalawang lugar lamang sa buong mundo. Pinas o Labas. Wala ako sa Pinas. Kaya’t nasa labas ako. Siguro darating din ang panahon na sasabihin ko kung nasaan ako.

Sa muling pagkikita natin sa aking tambayan. Sulat kayo sa kuwentongtambay[@]gmail[dot]com.

Nagmamahal,

KayTee
(Kuwentong Tambay)

3 Responses to “Kuwentong Tambay ng isang OFW”

  1. [...] Kuwentong Tambay wrote an interesting post today on Kuwentong Tambay ng isang OFWHere’s a quick excerptMalas nga lang ngayon at di na pwedeng magdownload sa bittorrent….Walang mapaglibangan dito kundi ang manood ng pelikula na dinownload pa sa BitTorrent o kaya ang magbasa ng libro galing sa emule…. [...]

  2. joy said

    Hey Kaytee! Glad you’re enjoying blogging. It’s a wonderful way to meet new friends and stay in touch with the old ones.

    Thanks for visiting A Pinay In England. And when you get the chance perhaps you’ll visit my other sites. Have a good day!

    joy

    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

  3. kuwentongtambay said

    hi joy

    thanks much for dropping by. i truly enjoyed your interview with BBC. awesome!

    will visit your other blogs.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.